|
lavender fields Tambak ang labada ko... |
|
mercredi, février 25, 2004![]() Congratulations! You're Legolas! Which Lord of the Rings character and personality problem are you? brought to you by Quizilla # gtz | 7:20 AM | mercredi, février 18, 2004 "No Record of Live Birth". That's what the National Statistics Office sent me for my birth certificate, on NSO Security paper. thing is, they already gave me copies certifying my birth years ago. pray tell, how do they manage the birth records of millions of Filipinos? well, at least i have no doubts on my birth and identity. # gtz | 12:10 AM | vendredi, février 13, 2004 una sa lahat, hindi ako 30 minutes late ha. at isang oras naman pala mag-aantay sa pasay eh, bat nagmamadali yung mga pasahero. "May hinahabol ako," hirit pa uli nung isang pasahero. duh, di kaya sila mag-eroplano kung nagmamadali sila. pano ka magmamadali kung 15 hours yung tatahakin mo na byahe. aber! (pero mahirap mapaaway, baka hanapin yung pastillas. napa-ngiti nalang ako, pagkapangako ni Delicious na magbibigay ako nito.) pero sumikat nga ako sa bus na yun nuong kalahating araw na nakasakay kami, pano ba naman tuwing tatawagin ako ng mga butatandings, sinisigaw pangalan ko. parang naririnig ko, eh bingi ako dahil sa lakas ng pinakikinggan kong cd. at pangalawa, di ako nakatuwad sa pagtalon sa bangka. hawak ko yung snorkle, kasi aayusin ko pagkalangoy ko. langya, handa handa pa sila, wala naman palang tatalon. wala naman akong balak habulin yung putanding, sa laki naman nya siguro maaabutan kong makita yung buntot nyat kung malapit sya eh makuhanan ng litrato. sayang naman yung binili kong waterproof na disposable camera. kung nakita ko pala yung putanding, di rin lalabas sa picture, masyado kasing madilim at malalim, wala pang araw. kahit nuong bumalik kami nung hapon, sobrang maalon na, ni anino ni putanding ayaw magpakita. ayun, natulog nalang ako sa banka, 3 oras din kaming umikot sa dagat ha. (at hindi lang ako ang tulog, bago kayo humirit na antukin naman talaga ako. mas parating tulog si Delicious sa banka.) pero ang tingin ko, myth talaga yang putanding na yan. pano nadi-distinguish daw ng mga spotter ang putanding sa shadow nito sa dagat. wow, pare, ano 'to 3D? kailangan kong mag-duling-dulingan para makita ang putanding? at yung mga nakakakita kuno? di tutuo yun. syempre sinundan na nila yung Butanding Interaction officer (hmm, translator? soiree with butanding?), kaya kahit walang putanding, sinasabi na nila na may nakita sila kesa magmukha silang tanga, no. kaya ayan, ang tanging ibidinsya namin kasama ang putanding ay yung group picture namin sa harap ng life-sized baby butanding na gawa sa canvass sa harap ng main house ng resort. katuldok na ngalang kami dahil sa haba ng putanding. yung kwento sa bulag, ganito yun. palabas na kasi ako ng bus ng biglang umakyat si Willie Garte. malaki ang gitara nya, maiipit ako kung sakali. syempre bulag, nahiya naman akong makisingit at makiraan, no. habang papalapit sya sa pwesto ko sa aisle, unti-unti akong umiiwas sa gitara nya. hanggang sa naki-upo na ako katabi ng isang matandang mama. kinantahan kami ng matagal ni Willie. ang lakas nang tawa ni Boy Gulay, rinig na rinig ko mula sa harapan ng bus habang asa kabilang dulo sya. naituro pa ata kay Tipangaks, kaya dalawa na silang tumatawa. kung di pa humirit yung katabi ko na "ang baho!" siguro makakabuo ng kanta yang si Willie. at hindi ako humihinga sa oras na to, ang baho kasi talaga eh. naka-CR na akot nakabalik sa bus, aba, nakatapat pa rin si Willie kila Delicious Facts. ako naman ang tawa ng tawa. sa Trivial Pursuit, tangna, ang laki ng inuna kong makasagot sa kanila at ang hihirap ng mga tanong ko. short of sinong best grip sa movie crew o sino yung animator na na-pilay habang nagsu-shooting. pota. duh pa yung pagkaka-phrase ng mga tanong, di maruong ng kaibahan ng What, Who at Which. kaya naman ang daming pagkakataon na nasayang para ako ang unang makapuo ng 'wedgies' (tangna, ayokong titulo yun). pero talaga namang magwawala ako tulad ni Purgaspeak kung mananalo si Delicious, dahil lang sa 'sheer dumb luck," sabi nga ni Purgaspeak." no way, fareh. Ang gwapo ni Aragorn, with sword-swinging arm. buti nalang nilayo ni Delicious yung Gollum nya nung matutulog na kami, baka biglang magsalita mag-isa yun ng "My Preciousssss." nag-sex kaya sila habang tulog kami? ang sarap talaga mag beach at lumangoy sa malalim, basta yung malinaw ang tubig at kita mo ang sand sa ilalim. baka kasi hilahin ako ng undines sa paa pag madilim at maraming sea grass. (at bakit ako lang ang maraming pantal sa katawan, fotah.) (obvious bang tinatamad na akong ituloy ito. hamo, pagsinipag, magkaka part 2 ito.) ay, fareh, you forgot to tell them, fareh, na you slept with shades on, fareh, while tanning on the banka, fareh. yan tuloy, fareh, ganda ng shape ng shades mo sa tan mong mukha. (you're red pala, not tan.) # gtz | 2:02 AM | lundi, février 02, 2004 jumping from the 27th floor, do you die because of the fall or the sudden stop? # gtz | 11:17 PM | |
|