lavender fields

lavender fields
Tambak ang labada ko...
jeudi, août 26, 2004

three cups of coffee in 30 minutes. yan ang ginawa kong pang-kalma sa sarili kanina. parang may mali kasi sa araw ko, sa linggo at sa buwan ng agosto.

hindi ko talaga buwan ito.

buti na lang, limang araw nalang. tensyonado ko pero hindi ko alam kung bakit. hindi dahil sa kape, dahil sa tutuo lang, nakatulong nga eto. atlis ngayon, ma-eexplain ko na kung bakit kakaiba pakiramdam ko. caffeine lang to.

blopper of the day:
paghirit ng "ngayon pa!" matapos sabihin ng officemate na pwede na umuwi ng alas kwatro. kasunod pala nya yung officer na nagpauwi. "hahaha, gtz, you were saying?"

pano naman, 5pm ang labas ko dahil may pasok ako. 8am andun na ko. tapos walang network buong araw. walang internet at network pero may email ako. labo. pero privileged pa ko sa lagay na to, dahi; halos lahat walang email, net at network. buong araw hinanap ang sira pero ang makaka-solusyon lang pala ay ang pag-fluctuate ng kuryente. paki-explain nga? may pa-shutdown pa ng lahat ng pc sa buong opisina. akala ko may nginatngat lang ng daga. dami ko tuloy hahabulin bukas.

mabalik, dahil asa government compound kami, syempre kami lang tao dun dahil kahapon pa walang pasok ang gobyerno. Quezon city day, kami lang may pasok sa buong QC. tama ba yun?

taga-salo pa ata ako ng murphy's law ngayong araw.

eto na ata ang explanation nuong panaginip ko nuong isang araw, kungsaan may dalawang lalaking parang hired killers na humahanap sa akin dahil ako lang nakakaalam ng sagot. kung ano yung tanong, yan ang di ko alam. basta alam kong hanap nila ako at papatayin ako. hindi ko na nalaman dahil nagising ako matapos makapagtago sa ilalim ng mga nakatuping damit sa cabinet na tatlong metro ang haba.

buti hindi pa binalik ng professor yung test paper ko. madami akong hindi na sinagutan. sumuko na ko. hindi ko talaga maintindihan ang module 5. imparfait, conditionnel passe at present, plus que parfait. hindi ko ma-memorize ang conjugation. at nasa module 6 na ko ngayon ha. may willing mag-explain?

maiba:
argh, Revenge of the Sith spoilers in my inbox. matatanggihan ko bang basahin yon?

at ako raw ay American Gods.

"You are mysterious,
intelligent, and creative. To the rest of the
world you may seem a little standoffish, but
really youre just a quiet person. Youre sort of
bookish and are intrigued by mythology and
fairy tales. You might be Wiccan or Pagan,
either that or youre unreligious. You have a
sarcastic sense of humor and are the kind of
person people like to talk to because youre
such a good listener."



oras na para magbasa ka ng Gaiman
#


      gtz | 7:34 AM   |



mercredi, août 11, 2004

pano kaya ako pumasa sa NASC nuong college at sa chem, bio at physics nuong high school?

ngayon ko palang kasi na-iintindihan ang mga elements at unti-unting na-mememorize ang mga ito. sa katunayan, nuong nag exam ako sa pag-dive nuong isang buwan, binagsak ko lahat ng tanong tungkol sa hangin. in short, nalilito ako sa hydrogen, oxygen at nitrogen. baka alien nga daw akot nitrogen ang sinisinghot.

sample question: ano ang hanging laman ng tangke?
sagot ko: nitrogen (kaya pala high ako madalas.)

pero ngayon, ultimo hotkeys ng subscript at superscript, kabisado ko na. malamit na rin akong ma-praning sa mga risks na meron sa mga dagat, lawa at ilog sa east asia. baka dahil dito, mapaaga pag-vegetarian ko ah. baka umiwas na rin ako sa paglangoy sa mga mangilan-ngilang dagat.

buti nalang hindi, at wala sa plano, ko basahin ang risk assessment ng manila bay.

sa Bali pa ngalang, napa-praning na ko.

dapat makaiwas na rin sa batangas at bataan.

malaman mo ba naman ang level ng coliform, e. coli, oil and grease, at nutrients (na hindi kailangan) sa dagat...

pero initial assessment naman ito, para aayos at ma-maintain ang ganda.

sustainable development. yan, isa yan sa mga abstract phrases na madalas gamitin dito.
#


      gtz | 11:47 PM   |



lundi, août 09, 2004

Labadami, Labango


(Sagada, December '03)

Nangangati na naman paa ko, kaya ipagpatawad kung litrato na naman ang nilagay ko.
ngayong linggo lang din ko kasi nakita ang picture na ito na kinuha kinaumagahan ng mag-cave kami ng gabi (hindi ata sa sumaguing) habang naglalaba ng dating puti kong jogging pants.

dahil na rin siguro sa kagustuhang gumala, napapabilis tuloy ang pagbasa ko ng libro. kung sa ilang buwang di ako nakabasa ng libro, mapalad ang nakaraang apat na linggo, spagkat natapos kong basahin ang Harry Potter 5 (buti nalang di ako bumili ng kopya ko), ng Good Benito ni Alan Lightman (di kasing ganda ng Einstein's Dreams, pero ang ganda pa ring ng pagkakasulat. such prose, specially coming from a physicist.), ang The Lantern Bearers ni Rosemary Sutcliff (ang galing ng kwento, twists and all. kahit nahirapan ako sa lenguahe nya nuong una. Isunulat nuong 1959, parang LOTR, at kwento ni King Arthur at Odyssey
pero tungkol sa kanang-kamay. hindi sa hari, o sa hero. The Once and Future King sana ang bababasahin ko, pang tanggal lasa ng King Arthur ni clive Owen. ayokong maiwan sa isip ko si smurfette at bad-boy lancelot eh. pero nakita ng officemate ang libro, sya daw muna at ipinahiram sa akin ang libro tungkol sa Celts, Saxons at British-Romans.

Teka, Gin Blossoms mga pinapatugtog ng DJ ng unit, byahe muna ko.
#


      gtz | 6:20 PM   |



www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from lavenderfield. Make your own badge here.

Weblog Commenting by HaloScan.comPowered by Blogger

ang nakaraan: