|
lavender fields Tambak ang labada ko... |
|
|
mardi, octobre 12, 2004 last five books read: 5. Ian McEwan's Enduring Love. (Must read, if only...) 4. Angels and Demons (Umberto Eco (very) Lite ng The Name of the Rose) 3. Da Vinci Code (Umberto Eco Lite ng Foucoult's Pendulum daw. korni ko magbasa, nahulaan ko lahat codes. jaded, jaded.) 2. How to travel with a Salmon and other essays, by The Real Umberto Eco. (yan ang lit, ang galing talaga.) 1. Neruda's Memoirs (my current sleeping partner. ma-experience ko lang kahit kalahati ng naranasan nya, ang saya ko na. nasa age 23 palang nya nga ako.) This will be a long two months. hindi offered module ko sa Alliance. kaasar. # gtz | 5:03 AM | sa dalawang huling opisina ko, halos lahat ng tao iniiwasan ang pagsali sa sportsfest. ngayon, dahil may palaro ang UN, atat ata sumali lahat ng ka-opisina ko. makatakas lang sa trabaho. kahit kami na mismo ang gumastos ng uniporme namin. pramis. eto nga pala ay kung papayagan kaming makaalis ng office hours at basta walang ilalabas na salapi. sa kasabikang maka-alis, kahit dalawa o tatlong laro, sinasalihan na ng iba. natutuwa ako. naalala ko ang PALACASAN. sa basketball, ang motto ng mga players namin "basta wag lang tayong matambakan." ewan nga kung paano nakabuo ng team gayong kalahati naman ata ay hindi naglalaro. sa volleyball, kung saan ako kasali, malalaman palang bukas kung ano ang kapasidad naming lahat. may magagaling naman ata pero may mga takot rin sa bola. "daanin nalang sa porma," naman ang motto ng all-women's volleyball team. ang tunay na may fighting spirit ata ay ang mga sasali sa bowling at badminton. regular kasi praktis sa badminton, partida rin sa Thai intern na kulelat daw sa bansa nya pero panis silang lahat kapag kalaban sya. hay, sarap makapag-blog ulit. walang gustong sumali sa mutant relay at sa tennis. next week na ang laro, at ngayong linggo palang nagpa-praktis ang lahat. mag-me-make-up nalang ako sa lunes. hay, sarap makapag-blog ulit. # gtz | 4:47 AM | |
|