|
lavender fields Tambak ang labada ko... |
|
|
dimanche, novembre 28, 2004 and the gathering of slaves begins. may pasok kami habang holiday buong pilipinas. this will be one loooong day. # gtz | 5:23 PM | jeudi, novembre 25, 2004 Same time last year. na-realize ko lang. apat kaming madalas magkasama (well, anim lang kami sa opisina). 3 babae at 1 lalaki. parang ngayon din. lahat nagpaplanong umalis dahil, well, magulo. si S, umalis bago pasko. si M at J, end of january. ako after a week. sana wag maulit. nakaka-depress kasi. pano na career ko, harhar. kasi si B, mukhang ayaw na talaga sa loka-lokang boss. e matatapos na contract nya ng december, baka di na magpa-renew. si J, baka jan. may pustahan nga yung dalawa kung sino mauuna. 10 course meal. makikikain nalang ako. iwan kami ni K kung sakali, pero susunod rin yun soon dahil kaya tumagal yun dahil pumasok si B na classmate nya dati. maiiwan na naman ako?! maloloka ako. di ko kaya. kahit given na mas magulo sa mundo nila na nasa labas ng kwarto ng unit ko, at masaya sa unit ko. 3 araw ngalang na asa training yung 3, maloka-loka na ko dito. sa ngayon, hanggat kayang tiisin. isang taon. sa titulo ng opisina, khit di sa posisyon. bakit tumatagal mga tao dito ng pito o sampong taon. di ko gets. sa ngayon, tuloy pa rin pagkain namin sa labas kapag tanghali. kanina sa Trellis. mahaba ang listahan ng mga balak kainan sa QC. atlis maayos pagkain kesa sa hinahatid at sa canteen. magastos pero atlis kahit sa isang oras, nakakalanghap kami ng ibang hangin at nakakakita ng ibang mukha. sa hapon, enjoy na sa turon at chicken balls sa suking booth sa tiangge sa may gate ng compound. kung saan bansag sa akin ay Doña, kay J ay Gabby (as in gabby concepcion. in fairness), si K ay kapatid ko. si B kasi, prodigal barkada lately. pagkagaling ng Cambodia last week, diretso training sa hotel, next week pa balik. buti ilang araw lang required si K at J. buti nalang may maikling bakasyon ako this weekend. punta akong bataan, sa pawikan festival sa morong. makiki-release ng baby pawikan sa dagat. # gtz | 11:34 PM | mercredi, novembre 03, 2004 Nanalo nga pala kami ng volleyball, silver. sa talambuhay ko, ngayon lang rin ako nagkaruon ng medals sa sports—dalawa pa, gold sa Tug-o'-war (hands down) at bronze sa mutant relay (nadapa pa team mate ko nun). ang celebration, sabay na raw ng christmas party. qwangk-qwank-qwank. Hat party sana bukas, kaso dahil sa pagka kidnap kay Nayan, medyo in bad taste nga naman magcelebrate. hindi naman sa nagkukulan kami sa gimik sa opisina. in fact, buong last week, long lunches out at gimik sa gabi kami ni J at B (umaabot pa ng greenhills, katipunan at UP ha). wala kasi mga boss. pero bumalik na sila, kasama ni K, kaya apat na ulit kami. nagsusulat ako ngayon, dahil pampagising. sarap sana umidlip pero kahit anong bagsak ng mata ko, di matuloy. conscious akong baka mag biglang dumaan eh. pangit nga kasi ng pwesto ko. puyat dahil sa inom kagabi, kasama officemates. sa wakas, nakakita na ko ng mga ka-wavelength dito, huli kasi sila pumasok sa akin pero bonding na kami. sa libro, sine, inom, lakwatsa at panlalait—kung saan ang tanging lalaki ang pinakamalakas manlait. kulang din kasi talaga ako sa tulog, gawa ng movie marathon nuong long weekend. (lintik kasing nawawalang pusa.) nanuod ako ng Raising Helen, Like Water for Chocolate, Connie and Carla, Before Sunset, Secretary, Windstruck (prequel ng My Sassy Girl, o nauna sya talaga). sabay tulong sa garage sale ng pinsan. bat ba nanalo si bush. at sine na pala ang Enduring Love. # gtz | 10:43 PM | |
|